Dan
Hoy Dan
asan ka na?
hindi ka na nagpaparamdam
akala ko kasi
hahabul-habulin mo pa rin ako
katulad nang dati
noon
'kala ko manhid ka
kasi astig ka
hindi ka nang-iiwan
kahit pinapahirapan na kita
lahat ng pasakit ginawa ko na sa'yo
kinaliwa at kinanan
kinalimutan
tinawanan
pinag damutan
gusto ko kasi n'on na lumayas ka na
sa lecheng buhay ko
yoko kasi ng asungot
kaw kasi
buntot ng buntot
yan tuloy
oi Dan
alam mo
mis na kita
magparamdam ka na nman o
gusto kita tawagan sa bahay nyo
kaya lang
sabi ng yaya mo
buong araw ka daw sa kwarto mo
ginamit ko pa si magsy
sabi ko itext ka
tinawagan ka na nga nya
wala pa ring sagot ang phone mo
huy! bingi ka ba?
anser your fone ulol
gusto ko na marining
ang boses mong lalampa-lampa
Xiao |6:06 PM
Tuesday, January 24, 2006